#AstroPatrol FULL STURGEON SUPER MOON
Inabangan ng Bayan Patrollers mula Tuguegarao City, #Cagayan, Libmanan, #CamarinesSur, at Bacolod City, #NegrosOccidental ang #FullSturgeonSuperMoon noong Agosto 1 at 2.
Paliwanag ni ABS-CBN Resident Meteorologist Ariel Rojas, hango ang ‘#sturgeon’ sa isdang Great Sturgeon na madalas nahuhuli sa Amerika sa mga panahong ito. ‘#SuperMoon’ din ito dahil nasa pinakamalapit na pwesto ang buwan sa mundo habang full moon.